|
||||||||
|
||
Ipinahayag Miyerkules, Agosto 1, 2018, ng pamahalaang Amerikano na isinasaalang-alang nitong itataas ang tariff mula 10% hanggang 25% sa mga produktong Tsino na iniluluwas sa Amerika na nagkakahalaga ng 200 bilyong dolyares. Layon nitong ibigay ang karagdagang opsyon sa pamahalaan ni Donald Trump upang himukin ang Tsina na gumawa ng pagbabago.
Ngunit, kasabay ng pagpapahayag ng White House na itaas ang tax rate sa mga produktong Tsino, nagpahayag ito ng pag-asang mapapanumbalik ang pakikipagtalastasan sa panig Tsino. Kaugnay nito, tinukoy ng Ministri ng Komersyo ng Tsina na sa kabila ng kapakanan ng buong daigdig, lalung lalo na ng kapakanan ng mga karaniwang magsasaka, negosyante, at mamimili ng sariling bansa, hindi aakuin ng Amerika ang anumang papel. Bukod dito, ikinalulungkot ito ng mga bansa't rehiyon sa daigdig na tumututol sa digmaang pangkalakalan.
Nitong apat na buwang nakalipas sapul nang sumiklab ang alitang pangkalakalan ng Tsina at Amerika, nawawalan ang panig Amerikano ng kredibilidad dahil sa mga kilos nito. Walang humpay ding nawawalan ng bisa ang mga banta ni Trump. Upang makuha ang mas maraming pagkatig, labis na ginagamit ni Trump ang tax issue. Ngunit, hindi niya nakuha ang inaasahang resulta mula rito, at lubos itong ikinalungkot ng mga bansa sa buong daigdig.
Sa iba't-ibang sulok ng mundo, itinuturing ngayon bilang pinakasulong ang Amerika sa mga larangang gaya ng pulitika, ekonomiya, militar, at siyensiya't teknolohiya. Ngunit bakit madalas nitong ginagamit ang mga mapanlinlang na hakbang laban sa mga kaalyado nito at iba pang mga bansa?
Maaaring obdiyektibong sabihin na ito ay may mahigpit na kaugnayan sa kasalukuyang pulitika na umiiral sa loob ng White House.
Unang una, minsa'y isang matagumpay na negosyante si Donald Trump; Ikalawa, mahigit isang taong nakalipas, matapos ang ilang round ng labanan, nasa sulong na status ang hardline.
Bunsod nito, binabalewala ng pamahalaang Amerikano ang kapakanan ng bansa at mga mamamayan nito, at ipinakikita ang kanyang tunay na mukha na gagamitin ang anumang porma para abutin ang hangarin nito.
Sa panig Tsino naman, palagiang naninindigan ang Tsina na lutasin ang pagkakaiba sa pamamagitan ng diyalogo. Pero, ang paunang kondisyong ito ay dapat maging pantay, matapat, at tupdin ang mga pangako. Tulad ng pahayag ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, handa na ang lahat ng gawain ng panig Tsino upang maipagtanggol ang dignidad ng bansa at kapakanan ng mga mamamayan, mapangalagaan ang malayang kalakalan at multilateral na sistema, at ang komong kapakanan ng iba't-ibang bansa sa daigdig.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |