Bilang tugon sa plano ng panig Amerikano na itaas ang tax rate sa mga produktong iniluluwas ng Tsina sa Amerika na nagkakahalaga ng 200 bilyong dolyares, sinabi Huwebes, Agosto 2, 2018 ng tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na dalawang aksyon ang isinagawa kamakailan ng Amerika na kinabibilangan ng pagpapalabas ng pahayag kung saan nagplano itong itaas ang tax rate mula 10% sa 25%sa mga produktong Tsino na iniluluwas sa Amerika, at pagpapahayag nitong nais panumbalikin ang pakikipagtalastasan sa Tsina.
Tinukoy niya na sa kabila ng kapakanan ng buong daigdig, lalong lalon na sa mga karaniwang magsasaka, negosyante, at mamimili ng sariling bansa, hindi kukunin ng aksyong ito ng Amerika ang anumang papel. Bukod ito, pinalulungkutin nito ang mga bansa't rehiyon sa daigdig na tumututol sa digmaang pangkalakalan.
Dagdag pa niya, bilang tugon sa bantang dulot ng pag-u-upgrade ng Amerika ng digmaang pangkalakalan, handa na ang lahat ng gawain ng panig Tsino upang maipagtanggol ang dignidad ng bansa at kapakanan ng mga mamamayan, mapangalagaan ang malayang kalakalan at multilateral system, at ang komong kapakanan ng iba't-ibang bansa sa daigdig.
Salin: Li Feng