Sa kanilang pakikipagtagpo Hulyo 30, 2018 sa mga mamamahayag pagkaraan ng Ika-9 na Estratehikong Diyalogo ng Tsina at Britanya na magkasamang pinanguluhan nina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministring Panlabas ng Tsina, at kanyang counterpart ng Britanya na si Jeremy Hunt. Ipinaliwanag ni Wang ang paninindigan ng Tsina hinggil sa alitang pangkalakalan ng Tsina at Amerika.
Ipinahayag ni Wang na ang liberalisasyon ng kalakalan ay komong palagay ng komunidad ng daigdig, at ito rin ang tunguhing pang-kasaysayan. Buong pagkakaisang ipinahayag ng Tsina at Britanya ang kahandaang patuloy na pangalagaan, kasama ng iba pang bansa ng daigdig ang mutilateralismo, sistema ng malayang kalakalan, at mga tuntunin ng World Trade Organization (WTO), dagdag ni Wang.
Tungkol sa alitang pangkalakalan ng Tsina at Amerika, sinabi ni Wang na isinagawa na ang pagsasanggunian ng dalawang panig, at narating na ang maraming mahalagang komong palagay. Pero, hindi tinupad ng Amerika ang mga pananagutan nito. Aniya, ang reporma at pagbubukas sa labas ay itinakdang patakaran ng bansa, ang paglutas ng alitang pangkalakalan sa pamamagitan ng diyalogo ay hindi nagbabagong paninindigan ng Tsina, at ito rin ay tamang paraan. Bukas pa rin aniya ang Tsina para sa diyalogo at talastasan, pero, ang diyalogo ay dapat batay sa pagkakapantay-pantay at paggalang sa isa't isa, at base sa mga tuntuning pandaigdig. Ang unilateral na pagbabanta ay tiyak na taliwas sa inaasahan, Ani Wang.
Salin:Lele