Ipinatalastas ngayong araw, Biyernes, ika-3 ng Agosto 2018, ng Customs Tariff Commission ng Konseho ng Estado ng Tsina, ang desisyon hinggil sa pagdaragdag ng taripa sa halos 60 bilyong Dolyares na panindang Amerikano.
Anang komisyon, ito ay isang sapilitang hakbangin ng Tsina bilang tugon sa plano ng Amerika hinggil sa pagpapataw ng 25% ng karagdagang taripa sa halos 200 bilyong Dolyares na panindang Tsino.
Ayon pa rin sa komisyong ito, kung tutupdin ng panig Amerikano ang naturang plano, agaran ding magkabisa ang nabanggit na desisyon ng panig Tsino.
Salin: Liu Kai