Bago idaos ang Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Kooperasyon ng Silangang Asya, nagtagpo Agosto 1, 2018 sa Singapore sina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina at Prak Sokhonn, Ministrong Panlabas ng Kambodya.
Ipinahayag ni Wang ang pagbati sa matagumpay na pagdaraos ng halalan ng Kambodya. Aniya, ang muling pagwawagi sa halalan ng Cambodia People's Party (CPP) na pinamumunuan ni Hun Sen ay nagpapakita ng kompiyansa at tiwala ng mga mamamayan. Aniya, laging matatag na kumakatig ang Tsina sa pagsisikap ng Kambodya sa pangangalaga sa sariling teritoryo, pagsasarili at katatagan ng bansa. Tinututulan aniya ng Tsina ang pakikialam ng puwersang panlabas sa mga suliraning panloob ng Kambodya. Dagdag ni Wang, ang Tsina ay patuloy na magbibigay ng tulong sa Kambodya para sa katatagan at kaunlaran ng bansa.
Ipinahayag naman ni Sokhonn, na ang proseso ng katatapos na halalan ng Kambodya ay mapayapa, maalwan, maayos at maliwanag, at ito ay nagpapakita ng kagustuhan ng mga mamamayan sa kapayapaan, katatagan at kaunlaran. Ipinahayag din niya ang pasasalamat sa Tsina dahil sa patuloy nitong pagkatig sa kanyang bansa.
salin:Lele