Nanning, Rehiyong Awtonomo ng Guangxi ng Tsina—Mula ika-9 hanggang ika-12 ng Hulyo, 2018, idinaraos ang Ika-2 Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Regional Forum Workshop on Urban Emergency Rescue.
Kalahok dito ang halos 600 katao na kinabibilangan ng mga namumukod na bombero mula sa 9 na lalawigan, munisipalidad at rehiyong awtonomo ng Tsina, at mga kinatawan ng mga bansang ASEAN at mga organisasyong pandaigdig. Sa pamamagitan ng pagpapalitan, layon nitong magkaroon ng pagtalakay at pagsasanay, mapataas ang kakayahan sa pagbibigay ng pangkagipitang saklolo sa kalunsuran, at mapalakas ang kooperasyong pandaigidg.
Pawang ipinahayag ng mga kalahok na ipinagkaloob ng kasalukuyang workshop ang napakapropesyonal na plataporma para sa pagpapalitang pandaigdig sa aspekto ng urban emergency rescue. Umaasa silang magsasagawa pa ng mas maraming kooperasyon, para magkasamang mapataas ang kakayahan sa pagbibigay ng pangkagipitang saklolo.
Salin: Vera