Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ni Hao Philippines nilahukan ng higit 60 kabataang Tsino

(GMT+08:00) 2018-08-10 18:21:46       CRI

Mga batang Tsino na kalahok sa Ni Hao Philippines

Ang kadalasang tahimik na Sentro Rizal ng Philippine Embassy ay napuno ng ingay ng mga kabataan kahapon Agosto 9, 2018. Lumahok ang mga batang Tsino na may edad 8 hanggang 15 taon sa Ni Hao Philippines.

Ang Ni Hao Philippines pahayag ni Irish Kay Kalaw-Ado, Second Secretary and Consul ng Philippine Embassy ay regular na aktibidad ng embahada para sa mga Tsino at dayuhang estudyante na nais magkaroon ng kaalaman hinggil sa Pilipinas.

Presentation hinggil sa kasaysayan, kultura at turismo ng Pilipinas

Tampok sa presentation ni Joan Pichay, Cultural Attache ang pagtututo ng simpleng mga salitang Filipino, kaalaman hinggil sa kasaysayan, kultura at turismo ng Pilipinas.

Ang grupo na binubuo ng 64 kabataan at 5 guro ay kabilang sa summer camp na Little Chinese Digital Culture Ambassador ng Embassy Business and Culture Net. Ang mga mag-aaral ay mula sa Beijing at lalawigang Hebei at Sichuan.

Yang Xiaokun, Guro ng Embassy Business and Culture Net

Ibinahagi ni Yang Xiaokun, Guro ng Embassy Business and Culture Net, "Napag-aralan na ng mga bata ang tungkol sa Timogsilangang Asya at Pilipinas sa pamamagitan ng mga libro. Ngayon dinala namin sila sa pasuguan para pagyamanin pa ang kanilang kaalaman. Gusto naming matuto sila tungkol sa kultura at kasaysayan ng Pilipinas, maaring sabihing aming itinatanim ang international seed sa kanilang mga puso."

Sa panayam ng CRI ikinuwento ni Teacher Yang ang isang tagpo habang tinatalakay ng mga bata at guro ang relasyon ng Pilipinas at Tsina. Isang bata ang nagsalita tungkol sa hidwaan sa teritoryo. Ang isa naman ay nagbahagi tungkol sa mahabang kasaysayan ng mabuting pagkakaibigan ng Pilipinas at Tsina. Bilang paglalagom, ani Yang idiniin ng mga guro na 'wag basta-bastang bumuo ng palagay. Sa halip piliting unawain at pag-usapan ang kultura ng bawat bansa. Sa ganitong paraan mas maraming malalamang pagkakapareho sa kabila ng magkakaibang mga kultura.

Ani pa ni Yang "Upang mas mapabuti ang pagpapalitang kultural nais naming gumawa ng mas marami pang katulad na aktibidad. Pagkatapos ng pagdalaw, pwedeng sabihin ng bata na gusto niyang pumunta sa Pilipinas at makita ito ng personal. O kaya, paglaki ng bata ay maari siyang maging isang diplomata."

Zhang Hong guro sa Renmin Primary School

Sa pananaw naman ni Zhang Hong guro sa Renmin Primary School, Hejiang County, Luzhou City, Sichuan, "Pagkakataon ito para sa mga batang magkaroon ng mas malawak na pananaw sa mundo. Kahit hindi pa man nakalalabas ng Tsina, maari na silang makipag-usap sa mga diplomata at malapitang malaman ang bagay-bagay tungkol sa bansa."

Naniniwala siyang mas pinahihigpit ng aktibidad na ito ang tradisyunal na pagkakaibigan ng Pilipinas at Tsina ay umaasa siyang ang susunod na mga henerasyon ng dalawang bansa ay magkakaroon ng mas malalim na paguunawaan sa isa't isa.

Tomasito Umali, Tourism Attache (sa kanan) habang kinakapanayam ng mga media

Katuwang ng Pasuguan ng Pilipinas ang Department of Tourism- Beijing sa Ni Hao Philippines ngayong taon. Sinabi ni Tomasito Umali, Tourism Attache, "Naniniwala akong matatamo ng Pilipinas at Tsina ang pangmatagalang partnership at benefitial relationship sa pagitan ng mga mamayan kung ang pagsisimulan ng magandang ugnayan ay mga kabataan."

Tourism Attache Tomasito Umali (sa gitna) at Deng Chengpu (sa kaliwa) sa pagpapalitan ng mga regalo

Habang nagpapalitan ng mga regalo, tinanggap ni Umali ang isang makabuluhang calligraphy. Ito ay mula kay Deng Chengpu, 15 taong gulang na estudyante ng Keystone Academy sa Beijing. Ani Umali ang translation ng calligraphy sa Ingles ay "No matter what happens, we can overcome it." Akmang akma para sa relasyon ng Pilipinas at Tsina.

Tila hilig ng Grade 10 student na si Deng Chengpu ang pulitika at sisusundan nito ang ugnayang panlabas ng Tsina. Sa panayam sinabi niyang ang Belt and Road Initiative ay nag-aalok ng pagkakataon sa mga kasaling bansa upang mas maging mabuti ang kani-kanilang mga relasyon. Ito sa tingin niya ang paraan para mas maging maging magkaibigan ang Pilipinas at Tsina.

Liu Hui, Grade 10 sa Yuying International School

Unang padalaw naman ni Liu Hui, Grade 10 sa Yuying International School, Wenzhou, Zhejiang sa isang pasuguan. Interesado siya sa mga bayani ng Pilipinas at Tsina dahil malaki ang respeto nito sa mga naiambag ng mga bayani upang matamo ang kasarinlan ng mga bansa.

Mga palabas at aktibidad sa Ni Hao Philippines

Ito ang ikalawang pagdalaw ng Little Chinese Digital Culture Ambassador sa embahada ng Pilipinas. Sa programa, ipinakita ng ilang mga bata ang sayaw ng Lahing Zang ng Tibet at pagtutugtog ng pipa.

Ulat : Mac Ramos at Wang Le
Larawan : Mac at Lele

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>