Idinaos kahapon, Martes, ika-17 ng Hulyo 2018, sa Manila, ang groundbreaking ceremony ng Binondo-Intramuros Bridge at Estrella-Pantaleon Bridge, na itatayo sa tulong ng Tsina.
Sa seremonya, ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paghanga at pasasalamat sa pagbibigay-tulong ng Tsina sa pagtatayo ng naturang dalawang tulay. Aniya, bilang kaibigan, muling ipinakikita ng Tsina ang kahandaan nitong lumahok sa pagsisikap ng Pilipinas para isakatuparan ang pangmatagalang pag-unlad, sa pamamagitan ng paglutas sa kasikipan ng trapiko sa Manila.
Ipinahayag naman ni Zhao Jianhua, Embahador ng Tsina sa Pilipinas, na ang pagtatayo ng naturang dalawang tulay ay naglalayong pabutihin ang kapasidad at episiyensiya ng tranportasyon sa Metro Manila. Igagarantiya aniya ng panig Tsino, na ang mga proyektong ito ay magdudulot ng pakinabang sa mga mamamayang Pilipino, at hindi magreresulta sa anumang negatibong epekto sa pag-unlad ng lipunan at kabuhayan ng Pilipinas. Isinasaalang-alang ng pamahalaang Tsino na magkaloob ng pautang sa di-kukulangin sa 5 pang tulay na itatayo sa Pasig River, dagdag pa ni Zhao.
Salin: Liu Kai