Sa paanyaya ng panig Amerikano, isang delegasyon ng Tsina ang pupunta sa Estados Unidos upang makipagsanggunian hinggil sa mga isyung pangkabuhaya't pangkalakalan na kapwa pinahahalagahan ng dalawang panig. Ang naturang pag-uusap ay nakatakdang idaos sa huling dako ng kasalukuyang buwan.
Ito ay ipinahayag ngayong araw ng Ministri ng Komersyo ng Tsina.
Magkasamang mangungulo sa pagsasanggunian sa antas ng pangalawang ministro sina Wang Shouwen, Pangalawang Ministro ng Komersyo at Pangalawang Punong Negosyador sa Pandaigdig na Kalakalan ng Tsina, at David Malpass, Pangalawang Kalihim ng Tesorerya ng Amerika.
Salin: Jade
Pulido: Rhio