Ipinatalastas kamakailan ng pamahalaan ng Amerika na ipapataw ang karagdagang 25% taripa sa mga kalakal ng Tsina na nagkakahalaga ng 16 bilyong dolyarese. Dahil dito, lalong umiigting ang tensyon sa pagitan ng Amerika at Tsina sa kalakalan. Nakatutok din ang sektor ng ekonomiya ng Alemanya sa pag-unlad ng pangyayaring ito, at tumututol sila sa proteksyonismo sa anumang porma.
Ipinahayag ni Dr. Jürgen Friedrich, Puno ng Germany Trade and Invest (GTAI), na nananalig siyang kahit may pagkakaiba sa patakarang pangkalakalan ang iba't ibang panig, hindi dapat ilunsad ang alitang pangkalakalan. Aniya, dapat isaayos ang mga hakbangin kaugnay ng kalakalang pandaigdig at pangalagaan ang kaayusang pangkalakalan ng daigdig sa pamamagitan lamang ng World Trade Organization (WTO).
Sinabi naman ni Brehm Bernhard, Coordinator ng Schaeffler-Gruppe sa mga suliraning ng Asya-Pasipiko na sa pagtatagpo noong Hulyo, binigyan-diin nina Chancellor Angela Merkel ng Alemanya at Premiyer Li Keqiang ng Tsina ang kahalagahan ng malayang kalakalan, at nilagdaan din ang mga kasunduang pangkalakalan. Aniya, ito ay makakabuti sa kapuwa Alemanya at Tsina, at mawawalan ng pamilihan ang Amerika.
salin:Lele