Inilabas kamakailan ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina at Konseho ng Estado ng bansa, ang plano ng aksyon hinggil sa pagbibigay-tulong sa mga mahihirap sa loob ng darating na tatlong taon.
Ayon sa plano ng Tsina, sa darating na tatlong taon, babawasan ng 30 milyon ang mahirap na populasyon ng bansa. Ipinakikita ng mga estadistika, na ang karamihan sa naturang 30 milyong mahihirap ay mga senior citizen, mga mamamayang may malubhang sakit, at mga may-kapansanan; o nasa mga labis na mahirap na lugar, kung saan lubos na di-maunlad ang kabuhayan at lipunan. Ayon sa nabanggit na dokumento, ang naturang mga mahirap na populasyon ay tampok at pangunahing aspekto ng mga gawain ng pagbibigay-tulong sa mahihirap na Tsino sa hinaharap.
Tinukoy din ng dokumento, na para sa naturang mahihirap, hindi talagang mabisa ang kasalukuyang development-oriented poverty alleviation, at dapat buuin ang isang komprehensibong sistema, na kung saan ang mga pangunahing paraan ay social security, social assistance, at social welfare; kasama ng mga subsidiyaryong paraan, na gaya ng charity, tulong ng mga social worker, at iba pa. Iniharap din sa dokumento ang malinaw na kahilingan, na pagbibigay-tulong sa mahihirap, sa pamamagitan ng naturang mga komprehensibong hakbangin.
Salin: Liu Kai