|
||||||||
|
||
NAKATAKDANG magtungo sa Beijing ang isang delegasyong binubuo ng mga kasapi ng gabinete upang makipag-usap sa mga opisyal ng Tsina upang higit na mapadali at maayos ang mga proyektong tutustusan ng Tsina sa pamamagitan ng Official Development Assistance at grants.
Magaganap ang pulong sa darating na Miyerkoles, ika-22 ng Agosto at magtatgal hanggang sa Biyernes, ika-24 ng Agosto. Pag-uusapan ang pagtustos sa mga proyektong napapaloob sa "first basket" tulad ng sa Chico River pump project, New Centennial Water Source-Kaliwa Dam project, ang Philippine National Railways Long-Haul project, ang Davao-Samal Bridge construction project. Pag-uusapan din ang Binondo-Intramuros at Estrella-Pantaleon bridges na gagastusan ng Tsina.
Magkakasama sina Finance Secretary Carlos Dominguez III, Socioeconomic Planning Secretary Ernesto M. Pernia, Budget Secretary Benjamin Diokno, Transport Secretary Arthur Tugade, Public Works Secretary Mark Villar at ang pangulo at chief executive ng Bases Conversion and Development Authority.
Makakasama rin sa paglalakbay si Foreign Affairs Secretary Alan Peter S. Cayetano sa paglalakbay.
Makakausap nila sina Chinese State Councilor at Foreign Affairs Minister Wang Yi, Commerce Minister Zhong Zhan, Director Wang Xiaotao ng China International Development Cooperation Agency at Hu Xiaolan ng Export-Import Bank of China at G. Lin Liquin, pangulo ng Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB).
Nakatakda rin silang dumalaw kay Vice Premier of Economic Cooperation Hu Chunhua.
Pag-uusapan din nila ang Rio Grande de Mindanao River flood control at iba pang malalaking mga proyekto.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |