Ayon sa ulat kahapon, Lunes, ika-20 ng Agosto 2018, ng Lupong Tagapag-organisa ng China-ASEAN Mayors' Forum, dadalo si Gloria Macapagal-Arroyo, Ispiker ng Mababang Kapulungan ng Pilipinas, sa porum sa taong ito, na idaraos sa darating na Setyembre sa Nanning, lunsod sa timog kanluran ng Tsina.
Ayon pa rin sa salaysay, lalahok din sa kasalukuyang porum ang mga kinatawan mula sa mahigit 100 lunsod ng Tsina at mga bansang ASEAN. Tatalakayin nila ang hinggil sa pagbibigay ng mga bagong elemento sa kooperasyon ng mga lunsod ng Tsina at mga bansang ASEAN, sa ilalim ng konstruksyon ng 21st Century Maritime Silk Road.
Salin: Liu Kai