|
||||||||
|
||
Sa reception, ipinahayag ni Embahador Zhao Jianhua ng Tsina na ang pagpapalitang militar ng dalawang bansa'y nakakabuti sa paghubog ng mutuwal na pagtitiwalaan ng dalawang bansa at "nagpapatunay sa pinagbabahaginang kapalaran."
Sa mensahe ni Zhao ibinahagi niyang, noong 2017, ipinagkaloob ng panig Tsino ang dalawang pangkat ng mga sandata sa Pilipinas para gamitin ang mga ito sa labanan sa Marawi. Bukod dito, ipinagkaloob noong unang dako ng Hulyo ngayong taon ng panig Tsino ang ikatlong pangkat ng mga as sandata sa Pilipinas para tulungan ang bansang ito sa paglaban sa terorismo at ekstrimismo.
Sinabi pa ni Zhao na nakahanda ang PLA na pahigpitin, kasama ng mga counterpart ng mga bansa sa daigdig na gaya ng Pilipinas, ang kanilang kooperasyon at bilateral na relasyon. Dagdag pa niya, patuloy na magbibigay-ambag ang hukbong Tsino para sa kapayapaan, katatagan at kasaganaan ng buong daigdig.
Hinangaan ni Undersecretary Cardozo Luna, Kagawaran ng Tanggulang Pambansa ng Pilipinas, ang mga kooperasyong militar ng Pilipinas at Tsina noong taong 2017. Sinabi niyang pinanumbalik ng dalawang bansa ang Annual Defense and Security Talks (ADST), tinalakay ng dalawang panig militar ang mga isyung kapwa nilang pinahahalagahan na gaya ng magkasamang paglaban sa terorismo, paglaban sa ekstrimismo at transnasyonal na krimen.
Bukod dito, pinasalamatan niya ang makataong tulong ng Tsina sa kanyang bansa. Sinabi pa niyang nakahanda ang kanyang kagawarang patuloy na pasulungin ang mga kooperasyon nila sa PLA at itatag ang isang mekanismo ng pagpapalitan na may mutuwal na kapakinabangan at pagtitiwalaan, para pahigpitin ang pagpapalitan at kooperasyon ng dalawang panig militar at palalimin ang pagkaunawaan ng dalawang bansa. Dumalo sa reception ang ilang daang panauhin ng Tsina at Pilipinas.
Ulat: Ernest Wang
Larawan: Sissi Wang
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |