Nang kapanayamin kamakailan ng mamamahayag ng China Radio International, ipinahayag ni U Ko Ko Hlaing, Direktor ng Sentro ng Pananaliksik sa Estratehiya at Isyung Pandaigdig ng Myanmar, na ang pag-uunawaan at pagtutulungan ay pinakamagandang paraan para malutas ang alitang pangkabuhaya't pangkalakalan ng Tsina at Estados Unidos.
Ipinalalagay niyang napakahalaga para sa bawat bansa ang malayang kalakalan, at ang alitang pangkabuhaya't pangkalakalan ay hindi nakakabuti sa paglago ng kabuhayang pandaigdig. Aniya, upang mapanatili ang katayuan ng super-lakas na bansa sa daigdig, isinasagawa ng pamahalaang Amerikano ang unilateralismo at proteksyonismong pangkalakalan. Sa maikling panahon, posibleng makabuti aniya ito sa sariling bansa, pero sa pangmalayuang pananaw, makakapinsala ito sa interes ng iba't ibang panig.
Salin: Vera