Huwebes, Agosto 23, 2018, ipinatalastas ni Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Estados Unidos, na si Stephen Biegun, Pangalawang Presidente ng Ford Motor Company, ang manunungkulan bilang bagong espesyal na kinatawan ng Amerika sa patakaran sa Hilagang Korea.
Ani Pompeo, mayaman ang karanasan ni Biegun sa diplomasya at talastasan, kaya mamamahala siya sa pakikipagtalastasan sa Hilagang Korea.
Dagdag pa ni Pompeo, sa susunod na linggo, dadalaw siya, kasama si Biegun, sa Hilagang Korea para isagawa ang diplomatikong pagsisikap sa target ng Amerika sa mga suliraning may kinalaman sa Hilagang Korea.
Ipinahayag naman ni Biegun na dapat samantalahin ng Amerika ang lahat ng mga pagkakataon para mapasulong ang denuklearisasyon ng Korean Peninsula. Aniya, isasagawa niya ang kooperasyon sa mga kaalyansa at partner ng Amerika, para maisakatuparan ang nasabing target.
Salin: Vera