|
||||||||
|
||
Beijing — Sa kanyang pakikipagtagpo Linggo, Agosto 26, 2018, kay Saleumxay Kommasith, dumadalaw na Ministrong Panlabas ng Laos, ipinahayag ni Pangalawang Pangulong Wang Qishan ng Tsina, na sa harap ng masalimuot na situwasyong panrehiyon at pandaigdig, tulad ng dati, patuloy na kakatigan ng panig Tsino ang Laos sa pagtahak sa landas ng pag-unlad na angkop sa sariling kalagayang pang-estado.
Ani Wang, naisakatuparan kamakailan nina Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), at Boungnang Vorachith, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Lao People's Revolutionary Party, ang makasaysayang pagtatagpo. Nakahanda aniya ang panig Tsino kasama ng panig Lao, na isakatuparan ang mga narating na mahalagang estratehikong komong palagay para mapalalim ang pragmatikong kooperasyon, at magkasamang pangalagaan ang kapayapaang panrehiyon.
Ipinahayag naman ni Saleumxay ang kahandaan ng Laos na magsikap kasama ng Tsina para mataimtim na isakatuparan ang mga komong palagay ng dalawang panig, at aktibong pasulungin ang konstruksyon ng komunidad ng komong kapalaran ng dalawang bansa.
Salin:L Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |