Vientiane — Ginanap Huwebes, Agosto 16, 2018, ang seremonya ng paggagawad ng mga tulong na materyal ng pamahalaang Tsino sa Ministri ng Industriya at Kalakalan ng Laos. Kabilang sa nasabing materyal ay ang dalawang business bus at limang kotse.
Nagpahayag ng pasasalamat si Bansati Thebphavong, Direktor ng Tanggapan ng Ministri ng Industriya at Kalakalan ng Laos, sa ibinibigay na tulong ng pamahalaang Tsino. Sinabi niya na patitingkarin ng nasabing mga sasakyang de motor ang positibong papel sa pagpapabuti ng kondisyon ng gawaing opisyal, at pagpapataas ng episiyensiya ng pangangasiwa ng kanyang ministri.
Salin: Li Feng