Nag-usap Agosto 26, 2018 sa Beijing sina Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina at Saleumxay Kommasith, dumadalaw na Ministrong Panlabas ng Laos.
Ipinahayag ni Wang na sa pamumuno ng mga liderato ng Tsina at Laos, nananatiling mainam ang relasyong Sino-Laotian. Aniya, sumusulong ang mga proyektong pangkooperasyon ng dalawang panig na gaya ng Economic Corridor ng Tsina at Laos, konstruksyon ng Belt and Road, pagtutulungan sa Lancang-Mekong River, at iba pa. Umaasa aniya siyang patuloy na magsisikap ang Tsina, kasama ng Laos para pabilisin ang pagpapaplano ng nasabing economic corridor, konstruksyon ng daambakal ng Tsina at Laos, at iba pa.
Ipinahayag naman ni Saleumxay na nakahandang magsikap ang Laos, kasama ng Tsina para pabilisin ang mga proyektong pangkooperasyon ng dalawang panig, halimbawa, ang Belt and Road, at pagtutulungan ng Lancang-Mekong River.