Inilabas kamakailan ng Ministri ng Impormasyon, Kultura at Turismo ng Laos ang ulat hinggil sa turismo ng bansa noong 2017, at ayon dito, nitong nakalipas na 6 na taon, may malinaw na paglaki ang bilang ng mga turistang Tsino sa Laos. Tinaya nitong ang Tsina ay magsisilbing mahalagang pamilihan na pinanggagalingan ng mga turista ng bansa.
Ayon sa estadistika, noong 2012, 200,000 turistang Tsino ang naglakbay sa Laos. Unti-unting lumago ang datos na ito, at hanggang noong 2017, umabot sa 639,000 ang bilang ng mga turistang Tsino sa bansa.
Tinukoy pa rin ng ulat na sumusulong ang konstruksyon ng daambakal sa pagitan ng Tsina at Laos. Kasabay ng pagbuti ng transportasyong panlupa ng dalawang bansa, mas maraming bisitang Tsino ang maaakit.
Salin: Vera