Ipinahayag Agosto 30, 2018 ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na walang kondisyong pampulitika ang tulong na pondo na ibinibigay ng Tsina sa ibang bansa.
Winika ito ni Hua bilang tugon sa ulat kamakailan ng media ng mga bansang kanluranin na ang mga Pacific island country ay nasa umano'y "debt trap" ng Tsina matapos tanggapin ang pondong pangkaunlaran.
Tinukoy ni Hua na sa proseso ng pagbibigay-tulong, iginagalang ng Tsina ang mithiin ng nasabing mga bansa. Aniya, ang tulong na pondo ay inilagay sa mga larangang kinakailangan sa lokalidad, na gaya ng konstruksyon ng imprastruktura. Ito aniya'y gumanap ng positibong papel sa pagpapasulong ng sustenableng pag-unlad ng lipunan at kabuhayan ng bansa, at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan nito. Aniya pa, tinanggap ng mga pamahalaan at mamamayan sa lokalidad ang usaping ito.