Ipinahayag Agosto 27, 2018 ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na walang paunang kondisyon ang Tsina at El Salvador sa pagtatatag ng relasyong diplomatiko.
Winika ito ni Hua bilang tugon sa pahayag kamakailan ng miyembro ng Lupong Pambatas ng Taiwan mula sa Democratic Progressive Party. Sinabi ng nasabing miyembro na binigyan ng Tsina ang El Salvador ng 27 bilyong dolyares na tulong.
Ipinahayag ni Hua na naitatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at El Salvador batay sa prinsipyo ng Isang Tsina, at ito ay angkop sa diwa ng pandaigdigang batas at mga norma sa relasyong pandaigdig. Aniya, suportado ng El Salvador, tulad ng UN at 177 bansa sa daigdig na may relasyong diplomatiko sa Tsina, ang prinsipyo ng Isang Tsina.