Ipinahayag Agosto 27, 2018 ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pagtanggap sa magkasamang paglahok ng India at Pakistan sa ensayong militar ng Shanghai Cooperation Organization (SCO).
Winika ito ni Hua bilang tugon sa kauna-unahang paglahok ng India at Pakistan sa anti-terror exercise na Peace Mission 2018 ng SCO, na idinaos kamakailan sa Rusya.
Ani Hua, kapuwa bilang mahalagang bansa sa Timog Asya, ang matatag na pagtutulungan ng dalawang bansa ay may mahalagang katuturan sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon at daigdig. Umaasa aniya siyang pahihigpitin ng dalawang bansa ang bilateral na pagtutulungan at diyalogo sa ilalim ng balangkas ng mga multilateral na mekanismong pangkooperasyong kinabibilangan ng SCO, para magkasamang pangalagaan ang katatagan ng rehiyon.