Ipinahayag Hulyo 18, 2018 ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang alitang pangkalakalan na inilunsad ng Amerika ay hindi lamang nakatuon sa Tsina, kundi maging sa buong daigdig. Ito aniya'y magdudulot ng panganib sa kabuhayang pandaigdig.
Sinabi ni Hua na ang alitang pangkalakalan ay makakasama sa tunguhin ng paglaki ng kalakalang pandaigdig, kompiyansa ng komunidad ng daigdig sa pagpapaunlad ng kabuhayan, at ginhawa ng mga mamamayan.
Ipinahayag kamakailan ni Pangalawang Pangulong Mike Pence ng Amerika na isasagawa ng bansa ang hakbang para mapigil ang umano'y pagnanakaw ng US intellectual property ng Tsina.
Kaugnay nito, sinabi ni Hua na kasalukuyang nagpapatuloy ang Tsina sa matagumpay na estratehiyang pangkaunlaran sa pamamagitan ng inobasyon, at ang tagumpay na natamo ng bansa ay batay sa pagsisikap at katalinuhan ng mga mamamayang Tsino.
Aniya, nagsisikap ang Tsina para ipagpatuloy ang mas malawak na pagbubukas sa labas, para bigyan ang daigdig ng mas bukas, maliwanag, at pantay-pantay na kapaligirang komersyal.