Biyernes, Agosto 31, 2018, idinaos sa Beijing ang ika-7 Financial Ministers' Dialogue ng Tsina at Hapon. Kalahok dito sina Liu Kun, Ministro ng Pananalapi ng Tsina, at Taro Aso, Pangalawang Punong Ministro at Ministro ng Pananalapi ng Hapon, kasama ang mga opisyal sa mataas na antas ng mga ministri ng pananalapi, bangko sentral, at departamento ng pagsusuperbisa't pangangasiwa sa pinansya ng dalawang bansa.
Malalimang tinalakay ng kapuwa panig ang mga paksang gaya ng kalagayan ng macro-economy ng Tsina at Hapon, mga patakaran at repormang pang-estruktura, bilateral na kooperasyong piskal at pinansyal, at kooperasyon sa ilalim ng mga multilateral na balangkas gaya ng G20, ASEAN at Tsina, Hapon at Timog Korea (10+3) at iba pa. Narating sa diyalogo ang maraming komong palagay sa kooperasyon.
Salin: Vera