Ipinahayag noong ika-26 ng Hunyo, 2018, ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang taong ito ay ika-40 anibersaryo ng paglagda ng Kasunduang Pangkapayapaan at Pangkaibigan ng Tsina at Hapon, umasa ang Tsina na tunay na isasaisip ng Hapon ang katuturan ng tratado, at magsasagawa ng mga aktuwal na aksyon para mapasulong ang pangmatagalan at matatag na relasyong pangkapayapaan, pangkaibigan at pangkooperasyon ng dalawang bansa.
Hinggil sa pag-aalay ng bulaklak ni Yasuo Fukuda, dating Punong Ministro ng Hapon bilang paggunita sa mga biktima sa Nanjing Massacre Memorial Hall, pinuri ni Lu ang pagpapakita ng mga Hapones napagpapahalaga sa kapayapaan at pangmalayuang pagtanaw at tumpak na nakikitungo sa mga kaganapan sa kasaysayan.
salin:Lele