Sa 2018 Forum on China-Africa Cooperation (FOCAC) Summit na ginanap sa Beijing Lunes, Setyembre 3, 2018, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na ipinasiya ng Tsina na palawakin ang pag-aangkat ng mga produktong Aprikano, lalong lalo na ng mga di-yamang produkto. Aniya, kinakatigan ng Tsina ang paglahok ng mga bansang Aprikano sa China International Import Expo (CIIE), at kinansela ang gastos ng mga pinaka-di-maunlad na bansang Aprikano sa paglahok dito.
Sinabi niya na isasagawa ng Tsina ang 50 proyektong pangkalakalan sa Aprika, at kakatigan ang konstruksyon ng malayang sonang pangkalakalan ng Aprika.
Salin: Li Feng