Sa susunod na tatlong taon, susuportahan ng Tsina ang Aprika sa 50 proyektong may kinalaman sa berdeng kaunlaran at pangangalaga sa kapaligiran. Sasaklaw ang mga proyekto sa pagbabago ng klima, pagtutulungang pandagat, pagkontrol sa pagsasadisyerto, pangangalaga sa hayop-gubat at halaman. Itatatag ang Sentro ng Kapaligiran ng Tsina at Aprika. Itatayo rin ang Sentro ng Kawayan ng Tsina't Aprika para matulungan ang mga bansang Aprikano sa pagpapaunlad ng industriya ng rattan.
Ito ang ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas ng 2018 Beijing Summit ng Forum on China-Africa Cooperation (FOCAC) ngayong hapon.
Salin: Jade
Pulido: Mac