Itatatag ng Tsina ang sampung Lu Ban Workshop sa Aprika para magbigay ng pagsasanay na bokasyonal sa mga kabataang Aprikano.
Ito ang ipinangako ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas ng 2018 Beijing Summit ng Forum on China-Africa Cooperation (FOCAC) ngayong hapon.
Kasabay nito, susuportahan din ng Tsina ang Sentro ng Kooperasyong Pang-inobasyon ng Tsina at Aprika at sasanayin ang 1,000 talentong Aprikano. Ibibigay rin ng pamahalaang Tsino ang scholarship sa 50,000 estudyanteng Aprikano, at pagsasanay sa 50,000 Aprikano. Iimbitahan din ng Tsina ang 2,000 kabataang Aprikano na lumahok sa mga aktibidad ng pagpapalitan sa Tsina.
Salin: Jade
Pulido: Mac