Lunes ng hapon, Setyembre 3, 2018, binuksan sa Beijing ang 2018 Beijing Summit ng Forum on China-Africa Cooperation (FOCAC). Dumalo sa seremonya ng pagbubukas si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, kasama ang mga lider o kinatawan mula sa 53 bansang Aprikano, si Pangkalahatang Kalihim António Guterres ng United Nations (UN), si Tagapangulong Moussa Faki Mahamat ng Komisyon ng Unyong Aprikano, at mga tagamasid ng 27 organisasyong panrehiyon't pandaigdig.
Bumigkas ng keynote speech si Pangulong Xi kung saan nagharap siya, sa ngalan ng pamahalaang Tsino, ng konkretong plano sa pagtatatag ng community with a shared future ng Tsina at Aprika, at nagpatalastas ng mga mungkahi at hakbangin ng panig Tsino sa pagpapalakas ng kooperasyong Sino-Aprikano sa hinaharap.
Ang tema ng kasalukuyang summit ay "China and Africa: Toward an Even Stronger Community with a Shared Future through Win-Win Cooperation."
Salin: Vera