Nagpasiya ang pamahalaang Tsino na itatag ang Instituto ng Tsina't Aprika para mapalalim ang pag-aaral ng isa't isa sa sibilisasyon ng dalawang panig.
Ito ang ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas ng 2018 Beijing Summit ng Forum on China-Africa Cooperation (FOCAC) ngayong hapon.
Kasabay nito, ipapatupad ng Tsina, kasama ng Aprika, ang 50 proyektong pangkultura, pampalakasan at panturismo. Itatatag din ng mga media Tsino at Aprikano ang network na pangkooperasyon.
Salin: Jade
Pulido: Mac