Nagpasiya ang pamahalaang Tsino na i-upgrade ang 50 proyektong pangkalusugan at medikal sa Aprika.
Ito ang ang ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas ng 2018 Beijing Summit ng Forum on China-Africa Cooperation (FOCAC) ngayong hapon.
Ang nasabing mga proyekto ay may kinalaman sa pagtatatayo ng Sentro ng Aprika sa Pagpigil at Pagkontrol ng mga Sakit, pagtatatag ng Hospital na Pangkaibigan ng Tsina't Aprika, pagpapalitan ng mga impormasyong pangkalusugan, pagpigil sa mga nakahahawang sakit na gaya ng HIV/AIDS, malaria, pagsasanay sa mga tauhang medikal, pagsasagawa ng libreng panggagamot sa katarata, sakit sa puso at iba pa.
Salin: Jade
Pulido: Mac