Kinatagpo Setyembre 3, 2018, sa Great People's Hall ni Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina si Antonio Guterres, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN).
Binigyan-diin ni Wang na ang kooperasyon ng Tsina at mga bansang Aprikano ay nagiging praktika ng kaisipan ng community with shared future for mankind na iniharap ni Pangulong Xi Jinping. Nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng UN para ipakita ang maliwanag na signal na gawing batayan ang tuntunin, at gawing nukleo ang UN sa pandaigdig na sistema.
Ipinahayag ni Guterres na lubos na pinahahalagahan ng UN ang konstruktibong papel ng Tsina sa mga suliraning pandaigdig, at nakahandang pangalagaan ang multilateralismo at pandaigdigang kaayusan batay sa mga regulasyon.
salin:Lele