|
||||||||
|
||
Sa katatapos na 2018 Beijing Summit of the Forum on China-Africa Cooperation (FOCAC), pinagtibay ng Tsina at 53 kasaping bansang Aprikano ng FOCAC ang Beijing Declaration at isang plano ng aksyon.
Pinagtibay ang Beijing Declaration -- Toward an Even Stronger China-Africa Community with a Shared Future at FOCAC Beijing Action Plan (2019-2021) sa roundtable meeting na magkasamang pinanguluhan nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Cyril Ramaphosa ng South Africa. Sina Pangulong Xi at Ramaphosa ay nanungkulan din bilang tagapangulo ng FOCAC.
Pagkatapos ng nasabing pulong, humarap ang dalawang pangulo sa mga mamamahayag, kasama ni Pangulong Macky Sall ng Senegal, bagong tagapangulo ng FOCAC.
Batay sa nabanggit na plano ng aksyon, sa susunod na tatlong taon at hinaharap, walong pangunahing inisyatiba ang ipapatupad ng Tsina't Aprika para maisakatuparan ang komong kasaganaan. Ang nasabing mga inisyatiba may may kinalaman sa kaunlarang industriyal, konektibidad sa imprastruktura, pagpapaginhawa ng kalakalan, berdeng kaunlaran, pagpapasulong ng kapasidad o capacity building, pangangalaga sa kalusugan, pagpapalitan ng mga tao, at kapayapaan at seguridad.
Mababasa rin sa nasabing dalawang dokumento ang pagpapahigpit ng pag-uugnayan ng mga estratehiya ng Tsina't mga bansang Aprikano. Kabilang dito, pahihigpitin ang ugnayan sa pagitan ng magkakasamang pagpapasulong ng Belt and Road Initiative (BRI), "Agenda 2063" ng Unyong Aprikano (AU), UN2030 Agenda for Sustainable Development, at mga estratehiyang pangkaunlaran ng iba't ibang bansang Aprikano.
Salin: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |