Sa 2018 Forum on China-Africa Cooperation (FOCAC) Summit na ginanap sa Beijing Lunes, Setyembre 3, 2018, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na ipinasiya ng Tsina na itatag ang pundasyon ng kooperasyong pangkapayapaan at panseguridad ng Tsina at Aprika upang suportahan ang kooperasyong Sino-Aprikano sa pangangalaga sa kapayapaan at kaligtasan. Aniya, patuloy na ipagkakaloob ng Tsina ang walang-bayad na tulong na militar sa Unyong Aprikano (AU). Bukod dito, itatatag aniya ang Porum na Pangkapayapaan at Panseguridad ng Tsina at Aprika para ito ay maging plataporma ng pagpapalakas ng pagpapalitan ng dalawang panig sa larangang pangkapayapaan at panseguridad. Sa mga larangang gaya ng magkakasamang konstruksyon ng "Belt and Road," pampublikong seguridad sa lipunan, gawaing pamayapa ng United Nations (UN), pagbibigay-dagok sa mga pirata, at paglaban sa terorismo, isasagawa ng Tsina ang 50 proyektong pantulong sa seguridad sa Aprika, sabi ni Xi.
Salin: Li Feng