Sa isang panayam Huwebes, Setyembre 6, 2018, inilahad ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, ang kalagayan at bunga ng 2018 Beijing Summit ng Forum on China-Africa Cooperation (FOCAC). Ipinahayag niya na ang nasabing summit ay isang diplomatikong aktibidad ng Tsina na may pinamalaking saklaw at pinakamataas na lebel sa kasaysayan. Aniya, natamo sa summit ng dalawang panig ang maraming bunga, at ito ay naging isang historical milestone para sa pagpapalakas ng pagkakaisa at kooperasyong Sino-Aprikano, at pagpapasulong ng komong kaunlaran ng dalawang panig.
Ipinahayag ni Wang na ang pangunahing bungang natamo sa summit ay buong pagkakaisang sinang-ayunan ng Tsina at Aprika na itatag ang mas mahigpit na komunidad ng komong kapalaran. Lubos na kinakatigan at aktibong nilalahukan aniya ng mga bansang Aprikano ang "Belt and Road" Initiative, at lubos ding hinahangaan ng panig Aprikano ang "walong inisyatiba" na iniharap ng panig Tsino sa pragmatikong kooperasyon ng dalawang panig sa susunod na yugto. Bukod dito, buong pagkakaisang ipinalalagay ng dalawang panig na dapat igiit ang multilateralismo, tutulan ang unilateralismo, at katigan ang pagpapatingkad ng United Nations (UN) ng namumunong papel, dagdag niya.
Salin: Li Feng