|
||||||||
|
||
Kinatagpo Miyerkuls, Setyembre 5, 2018 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina si dumadalaw na Punong Ministro Youssef Chahed ng Tunisia. Nakahanda ang dalawang lider na ibayo pang mapasulong ang relasyon ng dalawang bansa sa iba't ibang larangan.
Sina Pangulong Xi (kanan) at Punong Ministro Chahed (kaliwa) (photo credit: Xinhua)
Ipinahayag ni Pangulong Xi ang kahandaan ng Tsina na patuloy na pasulungin ang mga pangunahing proyektong pangkooperasyon sa larangan ng kalawakan at turismo. Nanawagan din siyang magkasamang magsikap ang dalawang bansa kaugnay ng mga isyung panrehiyon at pandaigdig para mapangalagaan ang interes ng mga umuunlad na bansa.
Ipinahayag naman ni Chahed ang pagbati sa matagumpay na pagdaos ng Tsina ng 2018 Beijing Summit ng Forum on China-Africa Cooperation (FOCAC). Ipinahayag din niya ang pagkatig sa pagtatatag ng mas mahigpit na komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina't Aprika at sa magkakasamang pagpapasulong ng Belt and Road Initiative (BRI). Mainit na tinatanggap ng Tunisia ang pamumuhunan ng mga bahay-kalakal na Tsino, dagdag pa niya.
Lumahok si Chahed, kasama ng iba pang mga lider Aprikano sa kapipinid na dalawang araw na FOCAC Beijing Summit.
Salin: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |