|
||||||||
|
||
Sapul nang pormal na maging magka-partner ang Brunei Darussalam-Indonesia-Malaysia-Philippines East ASEAN Growth Area (BIMP – EAGA) at Tsina noong taong 2005, napapanatili ng dalawang panig ang mainam na bilateral na relasyon. Mabuti ang tunguhin ng kooperasyon ng dalawang panig sa mga larangang gaya ng agrikultura, enerhiya, at konstruksyon ng imprastruktura. Tinukoy ng mga tagapag-analisa na may malawak na prospek ang kooperasyon ng dalawang panig. Ito anila ay nakakatulong sa pagpapalalim ng kooperasyon sa pagitan ng Tsina at buong Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Naitatag ang BIMP – EAGA noong 1994. Ito ang isa sa tatlong sub-regional cooperation organization sa ASEAN na sumasaklaw sa buong Brunei, at bahaging rehiyon ng Malaysia, Indonesia, at Pilipinas. Layon nitong pasulungin ang pag-unlad ng mga di-maunlad na rehiyon ng naturang mga bansa sa pamamagitan ng pagkokomplementong ekonomiko, at magkakasamang pagtatamasa ng mga yaman at pamilihan.
Noong Disyembre, 2015, pormal na naging katuwang ang Tsina sa nasabing organisasyon. Sa ngayo'y lumalalim nang lumalalim ang kanilang pagpapalitan at pagtutulungan sa mga larangang tulad ng kabuhayan at kalakalan, at kultura.
Ayon sa datos na isinapubliko ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, noong isang taon, umabot sa mahigit 211.6 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng kalakalan ng Tsina at BIMP – EAGA. Ito ay katumbas ng 41% ng kabuuang halaga ng kalakalang Sino-ASEAN.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |