|
||||||||
|
||
Si Huang Xilian, Embahador ng Tsina sa ASEAN
Sa paanyaya ni Pangulong Joko Widodo ng Indonesia, dumating ng Jakarta Linggo, Mayo 6, 2018, si Premyer Li Keqiang ng Tsina upang pasimulan ang kanyang opisyal na pagdalaw sa bansang ito. Sa kanyang pananatili sa Indonesia, bibisita si Premyer Li sa Sekretaryat ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa Jakarta, dadalo sa seremonya ng pagsisimula ng selebrasyon ng ika-15 anibersaryo ng pagkakatatag ng estratehikong partnership ng Tsina at ASEAN, at makikipagpalitan ng kuru-kuro sa Pangkalahatang Kalihim ng ASEAN tungkol sa relasyong Sino-ASEAN at kanilang kooperasyong panrehiyon.
Sa isang panayam, tinukoy ni Huang Xilian, Embahador ng Tsina sa ASEAN, na ibayo pang palalawakin ng Tsina at ASEAN ang nilalaman ng kanilang estratehikong kooperasyon.
Ang Indonesia ay bansang tagapangulo ng Brunei Darussalam-Indonesia-Malaysia-Philippines East ASEAN Growth Area (BIMP-EAGA) sa taong ito. Sinabi ni Huang na aktibong tatalakayin ng panig Tsino at mga kaukulang panig ang tungkol sa mekanismong pangkooperasyon. Aniya, ang sub-regional cooperation ay mahalagang dagdag ng kooperasyong Sino-ASEAN. Ito ay nakakatulong sa pagpapayaman ng nilalaman ng kooperasyong Sino-ASEAN, dagdag niya.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |