Sa news briefing nitong Biyernes, Setyembre 7, 2018 sa Jakarta, ipinatalastas ng Citilink Indonesia na pormal na papasok ito sa pamilihang Tsino, at magsasaoperasyon ng direktang flight patungong Tsina. Ipagkakatiwala ng Citilink ang Megacap Aviation Service bilang pangkalahatang ahensya para sa pagbebenta ng transportasyon ng mga pasahero at paninda at serbisyo sa Tsina, at itatayo ang mga tanggapan sa maraming lunsod ng Tsina na gaya ng Shanghai, Beijing, Guangzhou at Chengdu.
Ang Citilink ay isang low-cost aviation company ng Garuda Indonesia, at nasa Jakarta ang punong himpilan nito. Ipinahayag ni Juliandra Nurtjahjo, CEO ng kompanyang ito, na lipos siya ng pananabik sa pamilihang Tsino, at umaasang magsasadya sa Indonesia ang mas maraming pasaherong Tsino, sakay ng mga eroplano ng Citilink.
Salin: Vera