Nanning, Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Tsina — Binuksan Miyerkules, Setyembre 12, 2018, ang Ika-15 China-ASEAN Expo (CAExpo) at China-ASEAN Business and Investment Summit (CABIS). Dumalo sa seremonya ng pagbubukas sina Pangalawang Premyer Han Zheng ng Tsina, Punong Ministro Hun Sen ng Cambodia, Pangalawang Pangulong Myint Swe ng Myanmar, Pangalawang Punong Ministro Somdy Douangdy ng Laos, Pangalawang Punong Ministro Vuong Dinh Hue ng Biyetnam, mga opisyal mula sa Tsina at mga bansang ASEAN, at mga kaukulang namamahalang tauhan ng Sekretaryat at pandaigdigang organisasyon.
Sa seremonya ng pagbubukas, bumigkas ng keynote speech si Han Zheng.
Ayon sa ulat, tatagal ng apat na araw ang nasabing ekspo. Dumalo sa ekspong ito ang mahigit 2,700 bahay-kalakal mula sa 29 na bansa sa kabahaan ng "Belt and Road" na kinabibilangan ng 10 bansang ASEAN. Ang mapanlikhang kooperasyon ay magiging pinakamalaking pokus sa ekspong ito.
Salin: Li Feng