Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ika-15 CAEXPO mas pinalawig, handa nang simulan bukas

(GMT+08:00) 2018-09-11 19:21:31       CRI

Nakatakdang buksan bukas ang Ika-15 China-ASEAN Expo (CAEXPO) sa Nanning, Guangxi, Tsina. Ang tema ng expo ngayong taon ay "Magkakasamang Itatag ang Maritime Silk Road sa Ika-21 Siglo, Buuin ang Komunidad ng Inobasyon ng Tsina at ASEAN."

Sa news briefing na ginanap Setyembre 11, 2018 sa Yongzhou Hotel, Nanning, Guangxi ipinahayag ni Gao Feng, Tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina ang ilang tampok sa CAEXPO ngayong taon.

Ang Country of Honor ng Ika-15 CAEXPO ay Cambodia. Samantala ang Special Partner Country naman ay Tanzania. Aniya pa kasali rin sa expo ang 19 na Belt and Road countries kabilang ang Nepal, Pakistan, Sri Lanka, Australia, Germany at Spain. Ayon pa kay Gao tumaas ng 43% ang bilang ng dayuhang kumpanya na sumali ngayong taon.

Lalahok sa expo na gaganapin mula Setyembre 12-15, 2018 ang 70 Philippine micro, small and medium enterprises (MSMEs) at itatanghal ang samu't saring mga produktong Pinoy sa isang malaking pavillon sa Nanning International Convention and Exhibition Center.

Ang lalawigang Tarlac ang itatampok bilang City of Charm ngayong taon at ibibida nito ang mga oportunidad para sa pamumuhunan sa mga sektor ng agrikultura, turismo at kalakalan.

Sa news briefing nabanggit din ni Romeo Arca Jr., Assistant Director ng Community Relations Division ng ASEAN Secretariat, na bukod sa aspekto ng ekonomiya at kalakalan, ngayong taon mas binigyan ng kaniyang tanggapan ang youth and educational development upang palawigin ang kaalaman ng mga kabataan at mga mag-aaral hinggil sa ASEAN at isulong ang mas masigla at malalim na ugnayan.

Ngayong taon ipinagdiriwang ang ika-15 anibersaryo ng pagkakatatag ng estratehikong partnership ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), at Taon ng Inobasyon ng Tsina at ASEAN.

Dadalo sa opening ceremony ng ika-15 CAEXPO si Vice Premier Han Zheng ng Tsina, Punong Ministro Hun Sen ng Cambodia, House Speaker Gloria Arroyo ng Pilipinas, kasama ang iba pang matataas na opisyal ng ASEAN at Tanzania.

Ang CAEXPO ay unang idinaos noong 2004. Hangad nitong isulong ang China-ASEAN Free Trade Area (CAFTA) tungo sa magkasamang paghahanap ng mga pagkakataong pangkooperasyon at kaunlaran sa larangan ng kalakalan, negosyo at pamumuhunan. Sa taong 2017 ang accumulative two-way investment ay umabot na sa US$200billion.

Ulat at Larawan : Mac Ramos at Vera
Web-edit: Frank at Jade

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>