Noong Setyembre at Oktubre 2013, sa kanyang pagdalaw sa Kazakhstan at Indonesya, magkakasunod na iniharap ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang inisyatiba hinggil sa konstruksyon ng Silk Road Economic Belt at 21st Century Maritime Silk Road. Kamakailan, sa isang talakayan tungkol sa ika-5 anibersaryo ng Belt and Road Initiative (BRI), ipinahayag ng pangulong Tsino, na ang BRI ay angkop sa kahilingan ng reporma sa pandaigdig na sistema ng pangangasiwa, at nagkakaloob ng bagong ideya at plano para sa repormang ito. Aniya pa, ang BRI ay nagpapakita rin ng kamalayan ng komunidad ng komong kapalaran, na nagtatampok sa pagbabahagi ng mga karapatan at magkakasamang pagsasabalikat ng mga obligasyon.
Ang pananalitang ito ni Pangulong Xi ay nagpapaliwanag ng katuturan ng BRI. Ang layon nito ay hindi lamang pagpapalakas ng kooperasyong pangkabuhayan ng Tsina at ibang mga bansa ng daigdig, kundi rin pagpapasulong sa reporma sa pandaigdig na sistema ng pangangasiwa at konstruksyon ng komunidad ng komong kapalaran ng sangkatauhan. Ang kahalagahang ito ng BRI ay dahilan din kung bakit nagkakaroon ito ng pagkatig at paglahok ng maraming bansa at organisasyong pandaigdig.
Sinabi naman minsan ni Martin Jacques, Propesor ng University of Cambridge, na sa pamamagitan ng BRI, nakikita ng mga bansa ang bagong posibilidad sa reporma sa pandaigdig na sistema ng pangangasiwa, na dulot ng ideyang "extensive consultation, joint contribution and shared benefit" ng BRI.
Tama ang palagay ng dalubhasang ito. Ang extensive consultation ay nagpapakita ng pagkakapantay-pantay, ang joint contribution naman ay nangangahulugan ng pagbubukas, at ang shared benefit naman ay tumutukoy sa mutuwal na kapakinabangan. Ang lahat ng mga ito ay mga mahalagang elemento para sa pandaigdig na sistema ng pangangasiwa. Sa pamamagitan din ng "extensive consultation, joint contribution and shared benefit," maaaring makita natin ang solusyon sa mga problema sa kasalukuyang daigdig.
Ano ang susunod na hakbang ng BRI? Tinukoy din ni Pangulong Xi, na dapat isakatuparan ang de-kalidad na pagsulong ng BRI, at magkakaroon ng mas maraming bunga. Dahil dito, inaasahang ibayo pang magdudulot ang BRI ng mga aktuwal na kapakinabangan sa mga mamamayan ng buong daigdig, at magbibigay pa ng bagong lakas-tagapagpasulong sa reporma sa pandaigdig na sistema ng pangangasiwa.
Salin: Liu Kai