Nitong ilang araw na nakalipas, matagumpay na isinagawa ng Beijing Interstellar Glory Space Tech Ltd. at One Space Technology Co., Ltd., dalawang pribadong kompanyang pangkalawalan ng Tsina, ang paglulunsad ng mga carrier rocket sarili nilang ginawa.
Bagama't ang naturang dalawang paglulunsad ay sub-orbital spaceflight lamang, at hindi nakaabot sa earth orbit, ang mga ito ay malaking breakthrough pa rin sa kasaysayan ng pribadong kompanyang pangkalawalan ng Tsina.
Tulad ng alam natin, noong dati, isinagawa lamang ng mga sektor na pampamahalaan ang paggawa at paglulunsad ng mga spacecraft, dahil napakalaki ng gugulin sa aspektong ito. Samantala, napakahalaga ng industriyang pangkalawakan, dahil ang pag-unlad nito ay makakatulong sa pag-unlad din ng serye ng ibang mga industriya, at magdudulot ng benepisyo sa iba't ibang aspekto ng pamumuhay ng mga tao.
Nitong ilang taong nakalipas, pumapasok sa industriyang pangkalawakan ang pribadong sektor sa Amerika, at naitatag ang mga pribadong kompanyang pangkalawalan na gaya ng Space Exploration Technologies Corp. (SpaceX), Blue Origin, LLC, at iba pa. Maunlad ang teknolohiya ng mga kompanyang ito. Halimbawa, ilang beses na inilunsad ng SpaceX ang mga spacecraft sa International Space Station.
Sa kasalukuyan, umiiral pa rin ang malaking agwat sa teknolohiya sa pagitan ng mga pribadong kompanyang pangkalawalan ng Tsina at Amerika. Dahil dito, buong sikap na isinasagawa ngayon ng mga pribadong kompanyang pangkalawalan ng Tsina ang pananaliksik, para makamtan ang mas maunlad na teknolohiyang pangkalawakan. Sa pamamagitan nito, may pag-asang ibayo pang uunlad ang naturang mga kompanya, at pasusulungin din nito ang pag-unlad ng industriyang pangkalawakan at buong sistemang industriyal ng bansa.
Salin: Liu Kai