Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ambassador Elizabeth Buensuceso: Tsina, substantive dialogue partner ng ASEAN

(GMT+08:00) 2018-09-13 10:07:28       CRI

Si Ambassador Elizabeth Buensuceso, Permanent Representative ng Pilipinas sa ASEAN

Bilang kinatawan ng Committee of Permanent Representatives to ASEAN, ipinahayag ni Ambassador Elizabeth Buensuceso, Permanent Representative ng Pilipinas sa ASEAN ang kagalakang maanyayahang pumunta sa Nanning, Guanxi dahil aniya ngayong taon ginaganap ang dalawang mahalagang milestones, una ang 15th Anniversary ng China-ASEAN Strategic Partnership at ikalawa ang 15th Anniversary ng China-ASEAN Expo (CAEXPO).

Sa kanyang remarks sa China-ASEAN Cultural Exchange Activity na ginanap sa Wanda Realm Resort Setyembre 12, 2018 sinabi niyang ang CAEXPO ay mahalagang plataporma para sa ASEAN-China Cooperation. Sa nakaraang mga taon ang trade, business at investment cooperation ay naging masigla sa pagitan ng ASEAN at Tsina. Inilarawan din niya ang Tsina bilang isa sa mga substantive dialogue partners sa lahat ng mga pillars ng ASEAN Community.

Ang Pilipinas ang kasalukuyang country coordinator ng ASEAN-China relations. Ang susunod na tatlong taon pahayag ni Ambassador Buensuceso sa hiwalay na panayam ng CRI Filipino Service ay napakahalaga dahil sa papel ng Pilipinas kaugnay ng mga pag-uusap hinggil sa Code of Conduct in the South China Sea (COC). Masaya niyang ibinahagi ang ilang mga natamong bunga ng mga pag-uusap kabilang ang pag-ayon ng kapwa panig na gumamit ng single negotiating document. Ito aniya ay isang milestone. Madalas din ang pagdadalawan ng mga senior officials upang matapos ang dokumento at umaasa siyang sa panahon ng country coordinatorship ng Pilipinas ay lumabas ang isang "quality, substantive, legally binding COC."

Sina Ambassador Elizabeth Buensuceso (sa kaliwa) at Mac Ramos (sa kanan) 

Dagdag ni Ambassador Buensuceso na sa panahon ng pagiging bansang tagapagkoordina ng Pilipinas isusulong ang socio-cultural initiatives na nakatuon sa edukasyon, inobasyon, pagpapalitang akademiko, pagpapalitan ng mga kabataan sa mga larangan ng wika, kultura, sining at kabihasnan upang palaganapin ang mutuwal na pag-uunawaan at pagpapalalim ng pagkakaibigan sa pagitan ng Tsina at ASEAN.

Hinggil sa Belt and Road Initiative (BRI) na iniharap ng Tsina para sa komong kasaganaan, sinabi ni Ambassador Buensuceso na dapat hanapin ng Tsina at ASEAN ang "synergy," lalung-lalo na sa mga proyekto pang-imprastruktura na napapaloob sa Masterplan on ASEAN Connectivity 2025

Bilang pagtatapos sinabi ni Ambassador Buensuceso na ang CAEXPO ay isang portal na nagbibigay ng oportunidad upang makahanap ng mas maraming pagkakataon para sa kooperasyong pang-ekonomiya, panlipunan at pangkultura. Aniya, "Tumutulong ang Tsina na madiskubre ng ASEAN ang kanilang nakalipas at maging ang hinaharap ng ASEAN sa pamamagitan ng pagtulong na magkaroon ng koompiyansya, mahanap ang sariling identidad at mga kooperasyon. Ito ang gawain namin sa Committee of Permanent Representatives. Pinapadami namin ang pagpapalitan."

Ulat: Mac Ramos

Larawan: Vera

Web-edit: Lito/Jade

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>