|
||||||||
|
||
Si Undersecretary Nora K. Terrado ng Department of Trade and Industry (DTI)
Pinakamalaking trading partner ng Pilipinas ang Tsina para sa taong 2017. Ito ang ipinahayag ni Undersecretary Nora K. Terrado ng Department of Trade and Industry (DTI) sa Philippine Promotion Conference, Setyembre 13, 2018 sa Nanning, Guangxi. Lumalahok sa kasalukuyan ang pinakamalaking delegasyong Pilipino sa Ika-15 China ASEAN Expo.
Ayon kay Usec. Terrado umabot sa US$25.5billion ang kabuuang bilateral trade sa Tsina, lumaki mula sa US$21.9billion noong 2016.
Si Usec. Terrado habang kinakapanayam ng reporter ng CRI
Batay sa datos ng DTI nagkaroon ng 50% paglaki sa fruit exports noong isang taon, partikular ang saging at pinya na inaangkat ng Tsina. Nitong 2017 din, sinimulan ng Pilipinas ang pag-papadala sa kauna-unahang pagkakataon ng asukal sa Tsina. Ito ay nagkakahalaga ng US$8million at bunga ng bumubuting relasyon ng Pilipinas at Tsina.
Ulat : Mac Ramos
Larawan: Vera
Web Editor: Jade / Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |