|
||||||||
|
||
Pabilyon ng Pilipinas sa Ika-15 CAExpo
Sa kauna-unahang pagkakataon, sa 15 taong pagdaraos ng China-ASEAN Expo (CAEXPO) sa Nanning, Guangxi ng Tsina, inuukupa ng Pilipinas ang sarili nitong pabilyon. Binuksan Setyembre 12, 2018 ang National Commodity Pavilion ng Pilipinas at tampok nito ang 70 kompanya.
Si Undersecretary Nora K. Terrado ng Kagawaran ng Kalakalan at Industriya (DTI)
Ayon kay Undersecretary Nora K. Terrado ng Kagawaran ng Kalakalan at Industriya (DTI), isang "milestone" ang pagsali ng pinakamalaking delegasyong Pilipino ngayong taon. Apat na sektor ang kinakatawan ng mga kasaling kompanya sa commodity pavilion na gaya ng pagkain, home at fashion, health at wellness, at serbisyo.
Mga paninda sa pabilyon ng Pilipinas
Dagdag pa ni Usec. Terrado, ikinagagalak niyang maging bahagi ng CAEXPO dahil ibinibigay nito ang oportunidad na palakasin ang ugnayang pangkalakalan ng Pilipinas at Tsina, kasama ang mga kasaping bansa ng ASEAN. Target ng delegasyon ang US$ 26 million na export deals ngayong taon.
Mga paninda sa pabilyon ng Pilipinas
Ulat : Mac Ramos
Larawan : Vera
Web-edit: Lito/Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |