Nanning, Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi ng Tsina--Ginanap Martes, Setyembre 11, 2018 ang China-ASEAN Forum on Building "Belt and Road" Spatial Information Corridor. Layon ng porum na ipatupad ang Belt and Road Initiative na iniharap ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, pasulungin ang paggamit ng Belt and Road spatial information corridor sa mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), ihatid ang benepisyong dulot ng teknolohiya at bunga ng usaping pangkalawakan ng Tsina sa mga bansang ASEAN, at pasulungin ang pagtatatag ng community with a shared future ng Tsina at ASEAN.
Kalahok sa porum ang mahigit 200 dalubhasa at kinatawan mula sa Tsina, Thailand, Singapore, Malaysia, Biyetnam, Laos, Myanmar at Asia-Pacific Space Cooperation Organization.
Sa panahon ng gaganaping Ika-15 China-ASEAN Expo (CAExpo),oorganisahin ng China National Space Administration ang eksibisyon ng mga natamong bunga ng Tsina sa aspekto ng telekomunikasyon, remote sensing, navigation satellite, para hikayatin ang mga bansang ASEAN na sumali sa magkasamang pagtatatag ng Belt and Road spatial information corridor, at matamasa ang benepisyong dulot ng nasabing koridor, sa gayo'y pasulungin ang komong kaunlaran ng kabuhaya't lipunan ng Tsina at ASEAN.
Ulat: Vera
Pulido: Mac Ramos
Litrato: Vera
Web Editor: Liu Kai