Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Komentaryo: Pangunguna ng dalawang puno ng estado at pundasyong pampubliko sa relasyong Sino-Ruso

(GMT+08:00) 2018-09-14 16:56:19       CRI

Sa katatapos na Ika-apat na Eastern Economic Forum (EEF) sa Vladivostok, Rusya, nagdaos sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Vladimir Putin ng Rusya ng kanilang ikatlong pagtatagpo, sa loob ng apat na buwan. Ang madalas na pagtatagpo ay nagsisilbing namumukod na katangian ng pag-unlad ng relasyong Sino-Ruso.

Sina Pangulong Xi at Putin sa kanilang pagtatagpo sa Vladivostok, Rusya, nitong Setyembre 11. (Xinhua/Xie Huanchi)

Sa pangunguna ng dalawang puno ng estado, pumapasok na ang komprehensibong estratehikong partnership na pangkooperasyon ng dalawang bansa sa bagong panahon ng pag-unlad. Bunga nito, bumubuti ang estruktura at tumataas ang bolyom ng kalakalan ng dalawang bansa. Kasabay nito, matatag na tinutupad ang mga estratehikong proyektong pangkooperasyon sa larangan ng pamumuhunan, enerhiya, transportasyon, imprastruktura, kalawakan at iba pa. Mayroon ding mga bagong pagtutulungan sa siyensiya't teknolohiya, agrikultura, at e-commerce ang dalawang bansa.

Samantala, ang pag-unlad ng relasyong Sino-Ruso ay nakaugat sa pagpapalitan at pag-uugnayan ng mga mamamayan ng dalawang bansa. Sa kanyang talumpati sa sesyong plenaryo ng kapipinid na EEF, inilahad ni Pangulong Xi ang kuwento ng isang batang Tsino. Noon, mahigit 900 bata mula sa Wenchun, lalawigang Sichuan sa dakong timog-kanluran ng Tsina na nasalanta ng 8 magnitude na lindol noong 2018 ay mainit na tinanggap ng All-Russian Children's Center "Ocean" na nakabase sa Vladivostok. Dahil sa nasabing karanasan, pangarap ng isa sa mga bata na nagngangalang Xi Junfei ay mag-aral sa Rusya kapag lumaki siya. Ngayon, nag-aaral ang bata sa Far Eastern Federal University.

Sina Pangulong Xi at Putin sa kanilang pagdalaw sa All-Russian Children's Center "Ocean" sa Vladivostok, Rusya, nitong Setyembre 12. (Xinhua/Xie Huanchi)

Noong 2017, 1.7 milyong turistang Tsino ang naglakbay sa Rusya at 2.3 milyong turistang Ruso ang namasyal sa Tsina. Hanggang katapusan ng 2016, mahigit 70,000 estudyanteng Tsino at Ruso ay nag-aaral sa magkabilang bansa. Sa anumang aklatan sa Tsina, madaling makita ang mga obra maestra nina Alexander Pushkin at Lev Tolstoy. Nitong Setyembre 11, itinanghal ng National Center for the Performing Arts (NCPA) ng Tsina ang The Dawns Here Are Quiet, opera na inadapt sa nobela ni Boris Vasilyev, sa Mariinsky Theatre, St. Petersburg, Rusya.

Pagtatanghal ng National Center for the Performing Arts ng Tsina ang operang The Dawns Here Are Quiet, sa Mariinsky Theatre, St. Petersburg, Rusya, nitong Setyembre 11. (Photo credit: NCPA)

Mga Rusong nag-aaral ng kaligrapiya sa Confucius Institute sa tulong ng boluntaryong Tsino

Masasabing ang relasyong Sino-Ruso ay huwaran ng ugnayan ng malalaking bansa at magkapitbansa.

Salin: Jade

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>