|
||||||||
|
||
Nitong Sabado, Setyembre 15, 2018, naisaoperasyon sa Suvarnabhumi Airport sa Bangkok ng Thailand, ang self-help clearance channel para sa mga turista mula sa Hong Kong, Tsina. Sa pamamagitan ng paraang "self-help," maaari nang pumasok at lumabas sa hanggahan ng paliparang ito ang mga nagtataglay ng pasaporte ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) ng Tsina.
Ayon sa Kawanihan ng Imigrasyon ng Thailand, layon ng pagsasaoperasyon ng nasabing tsanel na makapagbigay ng ginhawa sa mga turista mula sa Hong Kong.
Ayon pa sa datos, sa pamamagitan ng naturang tsanel, 20 segundo lamang ang kinakailangan para tapusin ang proseso ng pagpasok sa hanggahan.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |